hindi ko matandaan yung pangalan nung congresswoman na panig sa RH BILL basta nakuha nya ang boto ko for RH bill. kasi naniniwala sila na isa ito sa magaaleviate sa atin mula sa kahirapan. Aking inuulit, ISA LAMANG ito sa mga solution at hindi nangangahulugan na ito lamang ang solution.
1 point. kung macocontrol natin ang population for example sa isang ordinaryong pamilya na isa lang ang kumikita ng minimum wage. kung meron lamang silang 2 anak mas matututukan ang pagkain, kalusugan, at pag-aaral ng mga bata kasi 2 nga lamang ang anak. ikumpara mo sa pamilyang may walong (8) anak. paano matutukan ang pag-aaral kung pang-laman pa lamang ng tiyan ay wala na. sabihin na nating masayang ang may malaking pamilya, pero hanggang kailan magiging masaya ang ganito kalaking pamilya kung unti-unti ay isinusumpa ng mga bata ang mga magulang sa kadahilanang hindi sila makapagaral.
sa palagay ko sa isang puntong ito ay marahil ay sasang-ayon kayo sa akin kung bakit ako umoo sa RH BILL. :)
kaisa ako sa mga Pilipinong naniniwala sa kakayanan ng RH.
matuto tayong makialam sa mga issue ng ating lipunan. tumulong tayong maipasa ang mga batas na makakatulong hindi lamang sa atin kundi sa buong bayan,
No comments:
Post a Comment