Angelo Reyes sa issue ng pagnanakaw

ginulantang ang mga pinoy ng isang balita. Namatay na nga si dating Sec. Angelo Reyes.

Hindi ko sinasabing nalulungkot ako o nasisiyahan sa nangyari kay Angelo pero eto lang ang aking opinion. para sa akin para nya lang sinabi na inaamin nya ang kasalanan na iniimbestigahan pa lamang. Naging mahina ang loob ng secretaryo sa issue na ito. Hindi nya napaghandaan emotionally and spiritually ang mga nangyaring ito. Para sa akin, gumawa siya ng ganitong mga kabulastugan tapos hindi nya kayang panindigan. Walang dapat sisihin sa nangyaring ito kundi si Angelo dahil siya naman ang gumawa nito sa sarili nya. Walang nagsabi sa kanya na patayin nya ang sarili nya.

sa opinion ko naman sa nagaganap na imbestigasyon sa congreso, hindi ko alam kung nagtatatanga tangahan ang mga mambabatas natin sa pagiimbestiga sa witness na si heidi mendoza. Una, binabasa ni Heidi ang report ng commission on audit tapos sisingitan ka ng mga tanong. bobo ba sila? ayaw munang patapusin yung witness. nabara tuloy sila na "please let me finish my report".

Ang problema sa mga mambabatas natin (hindi naman lahat). eh ayaw muna nating makinig bago tayo magtanong o magkumento. Bakit hindi natin maisip na baka ang sagot sa mga tanong natin eh napapaloob din sa babasahin nyang dokumento? Bakit hindi maintindihan ng mga mambabatas na binabasa pa ang report.

I commend heidi mendoza sa pagiging matapang para sa sarili nya at sa kanyang pamilya. Ipinagdadasal ko ang pagkakalutas ng kasong ito. masyado ng maraming buhay ang naapektuhan. marami ng pera ang nasasayang. at marami ng oras ang nailalaan sa issue na ito na sa halip ay sa pagpapasa ng mga bagong batas o sa pagtutuon sa mga programa na para sa IKAUUNLAD ng bansang PILIPINAS!

Kenneth Latayan

Phasellus facilisis convallis metus, ut imperdiet augue auctor nec. Duis at velit id augue lobortis porta. Sed varius, enim accumsan aliquam tincidunt, tortor urna vulputate quam, eget finibus urna est in augue.

No comments: